Robredo nanawagan kontra sa quo warranto vs Sereno

ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 12:25 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapang na nanawagan sa lahat ng dumalo sa "Free The Courts" forum sa UP Diliman si Vice President Leni Robredo para kontrahin ang quo warranto petition laban sa nakaliban na si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

"Kailangan natin isantabi ang ating takot at ipaglaban ang ating Hudikatura... The quo warranto case against the Chief Justice is not just her fight, it is our fight," ani Robredo.

Giit ni Robredo, binuo ang hudikatura para proteksiyonan ang maliliit at naaapi at hindi para itaguyod ang interes ng nakapuwesto. 

Bago tapusin ang kaniyang talumpati, may tiniyak si Robredo.

"As your duly-elected vice president, I took an oath to defend the Constitution. You can count on me to do everything in my power to right this wrong... We will not go quiet into the night. We will always fight for what is right. Together, we will prevail," ani Robredo.

Ayon kay DLSU College of Law Dean Jose Manuel Diokno, dapat bantayan ang mga karapatang tinatamasa natin ngayon, dahil nahaharap ito sa matinding pagsubok. 

"I think the time for us to stand, if we want to make a stand is now. Because if we do not want to make a stand now, there may be nothing for us to stand for in the future," ani Diokno. 

Umaasa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na papansinin ng mga mahistrado ang kanilang argumento na Senado ang dapat humawak sa kaso ni Sereno sa pamamagitan ng impeachment trial.

"If it so happens the Chief Justice is ousted via quo warranto, the period to file the MR [motion for reconsideration] would still be running, so by that time the decision is not yet final," ani Atty. Abdiel Dan Elijah Fajardo, IBP president.

Sa "Red Monday" flag-raising ceremony kanina, bukod sa mga empleyado ng Supreme Court, dumalo rin ang mga miyembro ng Philippine Judges Association.

Ilang grupo rin ang nag-rally sa harap ng Korte Suprema bilang suporta sa quo warranto petition laban kay Sereno. 

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.