Miyembro ng Abu Sayyaf, tiklo sa Basilan

Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Posted at May 08 2018 04:01 PM

Photo courtesy: BASILAN PPO

ZAMBOANGA CITY - Isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf ang naaresto sa Barangay Taberlongan sa Basilan, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang 50-anyos na suspek na si Unjie Jammang dahil sa kaniyang pagkakadawit sa mga kaso ng kidnapping at serious illegal detention. 

May reward na P600,000 na inilaan ang pamahalaan sa pagkakaaresto ni Jammang na itinuturing na isa sa mga wanted na miyembro ng Abu Sayyaf.

Sangkot si Jammang sa pandurukot sa bayan ng Lantawan sa Basilan, at sa pagsalakay sa Lamitan noong 2001, sabi ng mga awtoridad.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.