BARCELONA - Dalawang Pinoy ang kumakandidato sa Municipal Elections sa Espanya ngayong Mayo. Kumakandidato si Jordi Callejo sa Barcelona sa ilalim ng partido ng Esquerra Republicana de Catalunya (ERC) at si Richard Lewington sa Basque Province, para sa bayan ng Oñati, Guipuzkoa, sa ilalim naman ng Partido Popular (PP).
Jordi Callejo (kaliwa) Richard Lewington (kanan)
Tatakbo si Callejo para sa kanyang ikalawang termino bilang konsehal sa Raval district. Dating nurse ang first-timer na si Lewington na lumipat sa Espanya noong 2007.
Kasama sa plataporma ng dalawang kandidatong Pilipino ang pagtaguyod ng karapatan at kapakanan ng mga migranteng Pilipino sa Espanya.
Abangan ang buong ulat sa TFC News sa TV Patrol.