PatrolPH

Supporters nagpalipas ng gabi sa kalsada sa Makati para sa Leni-Kiko miting de avance

ABS-CBN News

Posted at May 07 2022 07:55 AM

MAYNILA – Madaling-araw ngayong Sabado ay pumoste na sa Ayala Ave., Makati City ang ilang mga tinaguriang Kakampink para sa miting de avance nina Leni Robredo at Francis "Kiko" Pangilinan.

Kabilang sa mga early bird ay ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

Marami rin ang kabataan na galing pa sa ibang bayan at probinsya.

Sinimulan ang programa sa prayer stations sa Ayala Triangle.

Dahil sa libo-libong taong inaasahan na makikibahagi sa magdamagang miting de avance, sarado ang ilang kalsada hanggang Mayo 8.

Ayon sa mga organizer, mayroong designated water station sa kada 100 metro sa venue.

Ayon sa isang senior citizen, ang kanyang pakikibahagi sa programa ay para sa maganda at ligtas na kinabuksan ng mga kabataan. – Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.