Menor de edad na positibo sa COVID-19 tumakas sa Iloilo quarantine facility

ABS-CBN News

Posted at May 07 2021 07:14 PM

Hindi naman nabanggit ng binata ang dahilan kung bakit ito tumakas sa quarantine facility. Retrato mula sa Roxas City LGU.

ROXAS CITY, Iloilo — Huli noong Huwebes ang isang 17 anyos binatilyong positibo sa COVID-19 na tumakas sa quarantine facility sa Hortus Botanicus noong Miyerkoles. 

Sa imbestigasyon ng Roxas police, nakatanggap ng report ang mga awtoridad na nakitang naglalakad ang menor de edad sa Barangay Banica kaya kaagad na ikinasa ang paghuli dito.

Hindi naman nabanggit ng binata ang dahilan kung bakit ito tumakas sa quarantine facility.

Patuloy ang contact tracing ng lungsod sa mga nakasalamuha ng menor de edad noong gumala ito.

Nasa pangangalaga na ng Roxas City Crisis Center ang binata.

—Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.