Inilunsad ng provincial government ng Palawan ang "COVID-19: Sagip Palaweño," na layong maiuwi ang mga Palaweño na na-stranded sa mga lugar sa labas ng lalawigan dahil sa coronavirus pandemic.
Ang mga tatawag sa "COVID-19: Sagip Palaweño" — na nag-operate 12 oras kada araw — ay hihingan ng kanilang personal na impormasyon para beripikahin sa Provincial Social Welfare and Development Office.
"Chine-check kung magka-qualify for asisstance. Marami na nangyari na may mga nagpapanggap at very unfortune na nagagawa pa nila na sila ay taga-Palawan," ani provincial board member Winston Arzaga.
Bubuo ang provincial government ng masterlist ng mga na-stranded na taga-Palawan at kapag nakumpleto ito, padadalhan nila ang mga na-stranded ng cash assistance at makikipag-ugnayan para maisakay ang mga ito sa sweeper flights pabalik ng lalawigan.
Narito ang hotline numbers para sa "COVID-19: Sagip Palaweño": 0935-515-7055, 0935-515-7056, 0935-515-7058, 0935-515-7060, 0935-515-7077, 0951-982-8753, 0946-567-7342, 0946-567-7108, 0951-982-8754 and 0951-982-8755.
Puwede ring dumulog ang stranded na Palaweños sa social media accounts ng provincial government.
-- Ulat ni Arlie Cabrestante, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regional news, Palawan, Sagip Palaweño, stranded, enhanced community quarantine, COVID-19, coronavirus disease, COVID-19 pandemic, Philippines coronavirus update