P6.8-M halaga ng 'shabu' nasabat sa Makati; 4 babae inaresto

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at May 07 2020 05:49 AM | Updated as of May 07 2020 04:18 PM

MAYNILA (UPDATE) -- Arestado ang apat na babae matapos makuhanan ng P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Makati City noong gabi ng Miyerkoles.

Matapos makatanggap ng mga ulat ukol sa bentahan ng ilegal na droga sa lugar, nagkasa ang mga pulis ng operasyon na nangyari sa isang bahay sa Tejeros Street bandang alas-2 ng hapon, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office.

Dinampot ang 4 na suspek matapos umanong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa mga suspek ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P6.8 milyon, isang pink na shoulder bag, 2 cell phone, at ang buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

"It is extremely saddening to know that amid this health crisis, there are still those who flagrantly violate the law," ani NCRPO chief Police Maj. Gen. Debold Sinas sa isang pahayag.

-- May ulat ni Jaehwa Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.