MAYNILA - Bilang paghahanda sakaling i-lift na ang enhanced community quarantine sa Metro Manila na matatapos sa May 15, nilagyan na ng barriers ng MRT-3 ang train seats nito.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito'y para masunod ang physical distancing.
Batay sa guidelines ng Department of Transportation, dapat isang metro ang layo ng mga pasahero sa isa't-isa sa loob ng tren, mga pasaherong nasa platform at mga gagamit ng escalators at elevators.
May itatalagang handwashing at disinfection areas din sa mga stasyon.
Hindi umano papayagang pumasok ang mga pasaherong hindi nakasuot ng face masks, mga may sintomas ng COVID-19 o may body temperature na 37.8°C pataas.
Ang mga senior citizens, buntis at mga pasaherong edad 20-anyos pababa ay babawalan din pumasok.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, DZMM, MRT-3, Metro Rail Transit, MRT social distancing, MRT physical distancing, ECQ, lockdown