PatrolPH

P105,000 halaga ng 'shabu,' nasamsam sa Silay City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at May 07 2019 12:04 AM

SILAY CITY, Negros Occidental - Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Guinhalaran, Silay City Lunes ng hapon.

Nakuha rin sa lalaking suspek ang isang improvised tooter.

Ayon kay Police Major Rollie Pondevilla, nakuha sa suspek ang mahigit pitong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P105,000.

Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.