2 teenager na 'nagnakaw ng motorsiklo' huli sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at May 07 2019 04:41 PM | Updated as of May 07 2019 09:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Lunes sa Pasay City ang 2 binatilyo dahil sa bintang na tinangay nila ang isang nakaparadang motorsiklo. Pinaghahanap pa ng awtoridad ang babaeng kasabwat umano ng mga ito. 

Dinampot ng pulisya sa follow-up operation sa Pasay ang 15 anyos at 14 anyos na magkasabwat umano sa pagnakaw sa isang motorsiklo sa Barangay Bangkal, Makati City noong Abril 30.

Nakuhanan ng closed-circuit television (CCTV) ang nangyaring pagtangay ng 15 anyos na suspek at ng kasabwat na babae, na patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Nakasakay pa mismo sa ninakaw na motorsiklo ang 2 lalaking suspek nang harangin ng mga pulis.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, base sa paraan ng pagtangay ng motorsiklong nakuhanan ng CCTV, tila sanay ang mga teenager sa ganoong gawain.

Posibleng ang mga teenager ang responsable sa iba pang insidente ng pagnanakaw ng motor, ani Simon.

Nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development ang mga suspek. --Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.