MADRID - Isang investment forum ang ginanap kamakailan sa Madrid at Barcelona, Spain, na inorganisa ng University of Asia and the Pacific (UA&P) at ng Instituto de Estudios Superiores de la Empresa (IESE Business School).
Layunin ng forum na ipakita sa mga potential Spanish investors ang mga magagandang oportunidad sa Pilipinas para hikayatin silang mamuhunan sa bansa.
Nakatuon ang roadshow sa Infra/Construction, Energy, at Agri-Business. Dinaluhan ito ng mga guest speaker mula sa Pilipinas at Espanya.
Kasama rin sa forum ang Embahada ng Pilipinas sa Espanya at ang Konsulado ng Pilipinas sa Barcelona para mas paigtingin ang komersiyo sa pagitan ng dalawang bansa.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.