Pagbaha sa Lacson Street sa Bacolod. Romeo Subaldo, ABS-CBN News.
Sa higit isang oras na pagbuhos ng matinding ulan kahapon, umabot hanggang tuhod ang baha sa highway sa Barangay Mandalagan sa Bacolod City.
Sa retrato na kuha ng isang netizen ibinahagi niya ang sitwasyon ng baha at ang matinding traffic sanhi ng pagtaas ng tubig.
Madalas na binabaha ang bahaging ito ng lungsod tuwing malakas ang ulan.
Dahil sa traffic na stranded din ang ilang ambulansya.
Naglabas kahapon ng weather advisory ang Provincial Disaster Management Program Division ng Negros Occidental sa posibleng pagbuhos ng ulan dala ng Low Pressure Area at Intertropical Convergence Zone.
Noong Lunes, nag-usap ang Department of Public Works and Highways at lokal na pamahalaan ng Bacolod para malaman ang sanhi ng pagbaha at kung ano ang dapat na gawin para matigil ito dahil binaha rin ang ilang bahagi ng lungsod noong weekend.
Basura at baradong drainage ang ilan sa mga nakitang sanhi ng baha kaya't sisimulan ang declogging ng mga drainage sa Bacolod City.
-- Ulat ni Romeo Subaldo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.