TFC News

CORONATION OF THEIR MAJESTIES: Mga royalista, maagang nag-camp out sa dadaanan ng royal procession

Pyx Marfa | TFC News United Kingdom

Posted at May 06 2023 06:04 AM | Updated as of May 06 2023 10:15 AM

LONDON - Hindi inalintana ang init at ulan ng mga royalista na nag camp-out na sa labas ng Buckingham Palace at sa the Mall simula pa lang noong Lunes.

Ito’y para masiguro ang kanilang puwesto sa daraan ng royal procession sa koronasyon ni King Charles III at Queen Consort Camilla sa May 6.

Isa si Julia Walker sa mga ito, na bata pa lamang ay malaki na ang paghanga at respeto sa Royal Family ay mananatili sa the Mall hanggang sa Sabado.

camp out

“I had a practice at home on hardwood flooring, slept in the tent for a couple of weeks just to get a feel of it. Well, I’m a lady with a certain age so I want to make sure getting in and out without too much difficulty. Oh yes, I’m hoping to get a little bit of sleep tonight, so I’m okay for Saturday but if I don’t, I don’t. It’s only once in a lifetime,” sabi ni Walker, royalista.

camping
Si Bartly Greham naman ay kaka-discharge lang sa ospital at dumiretso na sa Buckingham Palace dala ang isang life size picture ni King Charles III para maipakita ang paghanga sa hari.
cardboard charles

“I’m a little bit late. I’m looking forward to it and the chance of never seeing another. I just arrived about an hour and a half ago. I just got discharged from the hospital just to be here. I will be here until Saturday,” sabi ni Bartly Greham, royalista.

Marami ring Pinoy sa London ang todo-suporta sa Hari at Reyna.

“I’m really excited for the King’s coronation next weekend, and for the atmosphere in the town building, with flags and buntings everywhere. Long may he reign over us. God save the King!" saad ni Eugene at Irish.

“It’s about time na talaga na maging King na siya,” sabi ni Margie Nepomuceno, Pinoy sa UK.

“I hope he is well, his health is alright you know, everyone is getting old, so I’m sure he’s not going to relax. He got so much going on,” sabi ni Athena, taga- UK.

“Long live the King!”, sigaw ng ilang Pinoy sa the Mall. Maging ang media na galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay naghahanda na sa paghahatid ng mga kaganapan para sa nalalapit na koronasyon.

12
mugs
23

Kapansin-pansin din ang patok na souvenirs gaya ng cupcakes na may watawat ng UK at royal crown, coffee mug na may mukha ni King Charles III, ref magnets, tote bags at biscuits na may disenyo ng koronasyon sa loob ng tin can.

security

Puspusan na ang paghahanda ng lahat dahil 70-taon na ang nakalipas mula nang huling nasaksihan ng buong mundo ang isang royal coronation.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa Royal Coronation ni King Charles III at Queen Camilla ng United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO: