PatrolPH

Higit P600-K na hinihinalang shabu nasabat sa magkahiwalay na buy-bust sa Taguig, Parañaque

ABS-CBN News

Posted at May 06 2022 06:55 AM

MAYNILA—Anim na indibidwal ang inaresto at mahigit P600,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkakasunod na buy-bust operation sa Taguig at Parañaque City.

Ayon kay Pol. Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District, nasa P650,000 ang halaga ng hinihinalang droga at isang baril ang nasabat mula sa iligal na transaksyon sa Brgy. Bicutan, Taguig City at Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Ani Macaraeg, tutukuyan pa nila ang lawak ng ilegal na transkasyon.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng pulisya.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.