PatrolPH

ALAMIN: Mga saradong kalsada dahil sa mga miting de avance sa #Halalan2022

ABS-CBN News

Posted at May 06 2022 01:07 PM

MAYNILA - Isasara ang ilang bahagi ng mga pangunahing kalsada sa ilang siyudad sa Metro Manila para sa mga miting de avance ng mga kandidato para sa Halalan 2022. 

Simula alas-9 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-6 ng umaga sa Mayo 8 isasara ang ilang parte ng mga pangunahing kalsada sa Makati para sa gaganaping miting de avance ni Presidential Candidate Leni Robredo. 

  • Ayala Avenue (mula Fonda St. hanggang Gil Puyat Ave.)
  • Makati Ave. (mula Dela Rosa St. hanggang Paseo de Roxas)
  • Paseo de Roxas St. (mula Dela Rosa St. hanggang Makati Ave.)
  • Salcedo St. (mula Dela Rosa St. hanggang Valero St.)
  • V.A. Rufino St. (mula Dela Rosa St. hanggang Valero St.)

Sarado na sa motorista ngayong Biyernes ang Diokno Boulevard (mula Bradco hanggang Aseana Avenue) sa Paranaque, kung saan inaasahang gaganapin ang miting de avance ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. 

Muling bubuksan ang nasabing kalsada bandang alas-11:59 ng gabi ng Sabado, Mayo 7, ayon sa Southern Police District. 

Payo pa ng Southern Police District na asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada: 

  • Macapagal Ave. 
  • Roxas Boulevard
  • NAIA Road
  • Aseana Ave. 
  • Bradco Ave. 
  • Diokno Boulevard

Ayon sa MMDA, papayagan ang one-lane parking sa lugar sa Mayo 7 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi sa Roxas Blvd., Macapagal Blvd., Diokno Blvd, Seaside Drive, and Marina Ave.

Sinimulan na rin ang pagsasara ng ilang pangunahing kalsada dahil sa inaasahang progama sa Quezon City ngayong hapon ng Biyernes. 

Ala-1 ng madaling araw pa sarado ang bahagi ng West Ave. mula Liwayway street. 

Payo ng mga awtoridad na maaaring dumaan sa Cavite Street at Catanduanes Street para makapunta sa Quezon Avenue o kaya lumiko sa Examiner St at kumanan sa Times Street. 

Maaaring kumaliwa sa West Avenue para makarating sa Del Monte Ave. 

Una na ring isinara ang bahagi ng Maginhawa Street sa kanto ng Malingap Street para sa isang programa. 

Apektado rin ang mga susunod na kalsada: 

  • Malingap St. 
  • Mahabagin St. 
  • Mahiyain St. 
  • Madasalin St. 

Payo sa mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta. 

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na inaasahan nilang aabot sa mahigit 1 milyon ang dadalo sa mga pangunahing miting de avance sa Mayo 7, ang huling araw ng pangangampanya para sa May 9 national elections. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.