PatrolPH

Kasapi ng MILF arestado sa buy-bust operation sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at May 06 2021 11:31 AM

Kasapi ng MILF arestado sa buy-bust operation sa Davao del Sur 1
Tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P65,000 ang narekober mula sa suspek sa Bansalan sa Davao del Sur. Larawan mula sa Regional Special Operations Group-Regional Police Drug Enforcement Unit XI

Balik-kulungan ang isang aktibong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos mahuli sa buy-bust operation sa Ramon Delos Cientos sa Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur, Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Jalil Mando alyas Tol, na dati na ring nahuli sa Davao City sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga. 

Nakalaya siya taong 2014 pero hindi umano huminto sa ilegal na gawain.

Nasa top 10 din siya sa drug watch list sa Davao Region na naging dahilan para magkasa ng joint operation ang Regional Special Operations Group XI, Buhangin Police Station, at Bansalan Municipal Police Station laban sa kaniya.

Nakuha mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P65,000, cellphone at buy-bust money.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more News on iWantTFC

- Ulat ni Francis Magbanua

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.