PatrolPH

TINGNAN: 'Quaran-themed' 1st birthday party ng bata sa CamSur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 03:09 PM | Updated as of May 06 2020 03:58 PM

TINGNAN: 'Quaran-themed' 1st birthday party ng bata sa CamSur 1
Nagdiwang ng kaarawan ang isang bata sa Camarines Sur nitong Lunes sa pamamagitan ng party na may temang quarantine. Larawan mula kay Jey Defive

OCAMPO, Camarines Sur — Napagkatuwaan ng isang pamilya sa bayan na ito na ipagdiwang ang unang kaarawan ng kanilang anak nitong Lunes sa pamamagitan ng party na may temang quarantine kontra sa pagkalat ng coronavirus pandemic. 

Sa mga litratong ibinagi ng kaniyang pamilya, makikita sa likod ng paslit na si Ray Allen Tolentino ang mga poster na may paalala kung paano maiiwasan ang sakit, gaya ng paghuhugas ng kamay, pananatili sa bahay at pagdistansya sa ibang tao. 

TINGNAN: 'Quaran-themed' 1st birthday party ng bata sa CamSur 2
Nagdiwang ng kaarawan ang isang bata sa Camarines Sur nitong Lunes sa pamamagitan ng party na may temang quarantine. Larawan mula kay Jey Defive

Makikita sa isa pang poster ang mga katagang "quarantine birthday party" at "sorry none of you are invited." 

Ipinamigay naman ng mga magulang ni Ray Allen sa mga kapitbahay ang kaniyang handang spaghetti, cake, puto at iba pa. 

TINGNAN: 'Quaran-themed' 1st birthday party ng bata sa CamSur 3
Nagdiwang ng kaarawan ang isang bata sa Camarines Sur nitong Lunes sa pamamagitan ng party na may temang quarantine. Larawan mula kay Jey Defive

"Hindi pa man po kasi puwede 'yong mass gathering. 'Yong naki-celebrate lang po 'yong nandito lang sa bahay namin: mga cousins lang ng anak ko," sabi ng ina ng bata na si Joy Tolentino. 

"Nag-ano po kami ng 100 food packs lang nga po para pinamigay ko po sa malalapit naming kapitbahay," dagdag niya. 

Nakatanggap naman aniya si Ray Allen ng mga regalo mula sa dating yaya at ninong nito.

Hiling ni Joy para sa kaniya anak ang lumaki itong malusog sa kabila ng banta ng COVID-19.

"Kahit anong mangyari, pamilya talaga ang naiiwan na sama-sama," ani Joy.

Ang buong lalawigan ng Camarines Sur ay patuloy na nagpapatupad ng General Community Quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, bagama't hindi ito nakapagtala ng kaso ng naturang sakit.

TINGNAN: 'Quaran-themed' 1st birthday party ng bata sa CamSur 4
Nagdiwang ng kaarawan ang isang bata sa Camarines Sur nitong Lunes sa pamamagitan ng party na may temang quarantine. Larawan mula kay Jey Defive
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.