PatrolPH

'Para kang nawalan ng anak': Ilang seniors ikinagalit ang shutdown ng ABS-CBN

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 04:53 PM

BACOLOD CITY — Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ng mag-asawang senior citizen sa lungsod na ito matapos mawala sa ere ang ABS-CBN alinsunod sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Martes. 

Kuwento ng mag-asawang sina Edmundo at Carmelita Turbanos, libangan nila ang panonood ng ABS-CBN lalo ngayon at may COVID-19 at nakatengga lamang sila sa bahay. 

"Nakakalungkot. Wala na kaming magawa ngayon sa bahay," ani Eduardo. 

Ani Eduardo, galit siya dahil sa pasya ng gobyerno na ipatigil ang broadcast ng ABS-CBN, lalo pa't isa itong source ng lehitimong impormasyon sa gitna ng pandemya. 

Si Carmelita, malungkot dahil hindi na niya mapapanood ang kaniyang mga paboritong teleserye. 

"Deeply affected kasi ito lang ang libangan ko araw-araw at kinuha pa sa akin ito. Para kang nawalan ng anak," aniya. 

Martes nang maghain ang NTC ng cease and desist order laban sa ABS-CBN at ipinatigil ang pag-ere ng network matapos mapaso ang prangkisa nito noong Lunes. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.