PatrolPH

Mga senior citizen, hinimok na magpadala na lamang ng kinatawan para sa SAP

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 05:12 PM

MAYNILA - Pinapaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development ang mga senior citizens nitong Miyerkoles na huwag nang pumila sa pagkuha ng ayuda sa social amelioration program ng pamahalaan at magpadala na lamang ng mga kinatawan.

Ito ay kasunod ng mga ulat na ilang senior citizen ang nasawi dahil sa init at stroke habang pumipila sa pagkuha ng ayuda.

Hinimok din ng kagawaran ang mga local government unit na maglagay ng mga ambulansiya at paramedics sa mga distribution point. 

Ipinaalala rin ng ahensya ang mahigpit na pagsunod sa ipinapatupad na physical distancing para maiwasan ang posibleng pagkahawa ng COVID-19.

Inirerekomenda rin ng DSWD sa mga LGU ang door-to door-delivery ng ayuda sa mga pamilyang may senior citizen at persons with disability. 

Batay kasi sa inilatag na protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, ang mga may edad na 21 pababa at 60 pataas, gayundin ang mga buntis at may sakit, ay dapat manatili na lamang sa kanilang mga bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.