PatrolPH

'Mala-martial law': Pagpapatigil sa broadcast ng ABS-CBN kinondena

ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 07:43 PM

MAYNILA — Inulan ng batikos at pagkondena ang naging hakbang ng National Telecommunications Commission (NTC) na ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN, ang pinakamalaking media and entertainment company sa Pilipinas, sa panahong kinakailangan ng mga Pinoy ang lehitimong impormasyon sa gitna ng kinahaharap na COVID-19 pandemic. 

Martes nang maghain ang NTC ng cease and desist order laban sa network matapos mapaso ang congressional franchise nito noong Lunes. 

Sabi ni dating Vice President Jejomar Binay, huling nawala sa ere ang ABS-CBN 48 taon na ang nakakaraan sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos. 

"We may argue on who bears greater responsibility for the closure of ABS-CBN. But we cannot deny that the day the network went off the air 48 years ago was also the day democracy died," ani Binay sa isang pahayag. 

Dagdag ni Binay, ang pagsasara ng network ang isang halimbawa ng "creeping erosion of civil liberties."

Hinikayat naman ng media and arts alliance na LODI ang mga Pinoy na ipaglaban ang kanilang kalayaan sa pamamahayag. 

"We call on all journalists, artists, media workers and all freedom-loving Filipinos to stand with ABS-CBN. Now more than ever, let us defend our press freedom, right to information, and right to free expression against all forms of intimidation, threats and abuse of power," anang grupong LODI. 

Sabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, isang kahihiyan sa Kongreso at NTC ang nangyaring pagsasara ng ABS-CBN. 

"I don't watch TV much if at all but shutting down a major media outlet that has provided entertainment and comforting connection to tens of millions of OFWs and 80 million Filipinos, not to mention dependable news of real not made up events is a shame for NTC and Congress," ani Locsin. 

Sabi naman ng Makabayan bloc ng Kongreso, ang mga diktador lang daw ang nagnanais na magpasara ng media. 

"In fact, it was because of the threats of the President that the House of Representatives did not take up the approval of ABS-CBN's franchise for years. Only dictators like Marcos shuts down independent media," sabi ng Makabayan bloc.

Sabi naman ng pamantasang Ateneo de Manila University (ADMU), mala-martial law ang nangyaring pagpapatigil sa pag-ere ng ABS-CBN. 

"We, the Ateneo de Manila University, see in the forced shut down of ABS-CBN, shades of martial law almost 50 years ago, when the airwaves went silent as the dictatorship sought to quell the free exchange of news, information and commentary," ani ADMU president Jose Ramon Villarin. 

Sabi ni retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio, mahalagang pangalagaan ng mga Pilipino ang kanilang kalayaang magpahayag. 

"We should always be protective of the freedom of expression, freedom of the press and of speech. And I’ve always been very protective of that in everything I do," ani Carpio. 

Payo ni Carpio, maaaring dumulog ang ABS-CBN sa SC upang pansamantalang ipawalangbisa ang direktiba ng NTC.

"I think the best for ABS-CBN is to go to the Supreme Court and ask for a TRO against the NTC order, and get an amendment or a reversal of that decision, Associated Communications vs NTC," sabi niya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.