PatrolPH

Lalaki timbog dahil sa pagbabantang ikakalat ang private video ng isang babae

ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 05:40 PM

ANGELES CITY, Pampanga— Arestado sa siyudad na ito nitong Martes ang isang 22 anyos na lalaki na nagbabanta umanong magpakalat ng mga pribadong larawan ng 18 anyos na babae na kaniyang nakilala sa social media.

Ayon kay P/Capt. Leopoldo Cajipe, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Angeles City, humingi ng tulong ang biktima sa ahensiya matapos makatanggap ng mga pagbabanta mula sa suspek.

Tinakot umano ng suspek na ikakalat ang pribadong video ng biktima kung hindi ito makikipagtalik at magbibigay ng P5,000.

Inaresto ng CIDG-Angeles ang suspek sa isang entrapment operation matapos iabot ng biktima ang marked money.

Nahaharap ngayon sa kasong robbery with intimidation against person ang suspek. -- Ulat ni Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.