PatrolPH

EDSA southbound sumikip dahil sa 5 aksidente

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at May 06 2019 09:56 AM

MANILA - Nagsikip ang trapik sa bahagi ng EDSA southbound dahil sa 5 magkakasunod na aksidente, Lunes ng madaling-araw. 

Dakong alas-4:30 ng umaga inararo ng isang bus ang mga barrier sa EDSA-Connecticut, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Head Bong Nebrija. 

Makalipas ang nasa 5 minuto, nagkarambola aniya ang isang taxi, kotse at sport utility vehicle sa Ortigas Flyover. 

Nagsalpukan naman ang isang bus at kotse sa EDSA-Reliance, habang nagbanggaan din ang isang kotse at SUV bandang Annapolis, pasado alas-5 ng umaga. 

Dakong alas-5:30, nagbanggaan din ang 2 bus sa dakong Ortigas, ani Nebrija. 

Walang nasugatan sa mga naturang aksidente, pero bumigat ang trapik mula MRT-North Avenue southbound hanggang Santolan.

Light to moderate naman ang trapik sa kabilang lane papuntang Balintawak. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.