Banal na buwan ng Ramadan umpisa na

ABS-CBN News

Posted at May 06 2019 07:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umpisa na ngayong Lunes ang Ramadan, ang banal na buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.

Sa loob ng 29 o 30 araw isasagawa ng mga Muslim ang pag-aayuno, at pag-iwas sa mga makamundong gawain at mga bisyo.

Makasaysayan para sa mga nakatira sa Bangsamoro region ang paggunita ng Ramadan ngayong taon kasunod ng pagkakatatag sa bagong rehiyon.

"Holy Month of Ramadan is a month of discipline, that is why we are obliged to abstain from the necessity of our life from dawn to sunset," ani Grand Mufti Abu Huraira Udasan.

Sa Dagupan City, sama-sama at taimtim na ginawa ng mga Muslim ang "salat" o ang ritwal na dasal sa unang araw ng paggunita sa Ramadan.

Hiling nila ang kapayapaan at kaayusan ng bansa sa darating na halalan.

Nag-alay din ng panalangin ang mga Muslim na nagtipon-tipon sa Blue Mosque sa Taguig City.

Umaasa naman ang Malacañang na maging susi ang Ramadan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at paniniwala. 

Magwawakas ang Ramadan sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr. --Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.