PatrolPH

PANOORIN: CCTV footage ng pagsabog sa Quiapo

ABS-CBN News

Posted at May 07 2017 12:46 AM

Courtesy of Barangay 383 Zone 39

Nakuhanan ng closed-circuit television ang isa sa dalawang pagsabog na nangyari nitong Sabado ng gabi sa Quiapo kung saan dalawang tao ang naiulat na namatay.

Sa CCTV footage mula sa Barangay 383 Zone 39, makikita ang aktuwal na pagsabog na nangyari sa kanto ng Globo De Oro at Palanca Street sa Quiapo dakong 5:55 ng hapon. 

Dalawa ang naiulat na patay at apat ang sugatan sa nasabing pagsabog.

Nasundan pa ito ng pangalawang pagsabog na naganap sa bandang Norzagaray kanto ng Elizondo Street sa Quiapo pasado alas-8 naman ng gabi.

Dalawang pulis naman ang nasugatan sa pangalawang pagsabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.