SINGAPORE – Umaarangkada na ang virtual Bayanihan Walk 2022 na inorganisa ng Philippine Bayanihan Society Singapore o PBSS kung saan media partners ang The Filipino Channel at iWantTFC. Isa itong taunang signature event ng PBSS at layon ng walkathon ang pagsusulong sa pagkakaisa ng Filcom groups sa Singaporean community sa nasabing bansa. Nagsimula ang event noong April 17 at magtatapos sa May 28, 2022.
Participants sa virtual Bayanihan Walk 2022 kasama sina PBSS Honorary President Atty. Ranvir Kumar Singh, PBSS Honorary Vice President Minerva Lau at Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap
Ibinahagi naman ni PBSS Honorary President Atty. Ranvir Kumar Singh ang kahalagahan at layon ng annual walkathon:
“The purpose of the walk is manifold: 1. to provide opportunities for Filcom groups to collaborate in organizing events on a large scale 2. to establish and strengthen bonds among Filcom groups and with the mainstream Singaporean community 3. to raise funds for a noble cause in support of the Bayanihan society’s activities.
The COVID-19 pandemic has not deterred the Bayanihan society from holding the Bayanihan Walk. This year, the Bayanihan Walk will be held in a hybrid format…you could walk anywhere at any time…I urge you to register for the Bayanihan Walk…I look forward to seeing you during the Bayanihan Walk.”
(left) Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap | (right) PBSS Honorary President Atty. Ranvir Kumar Singh
At sa halagang 30 Singapore dollars lamang o katumbas ng mahigit PHP 1,000 registration fee, bawat participant ay magkakaroon ng Bayanihan Walk 2022 goody bag at t-shirt.
At dahil virtual ang lakaran, ang walk for a cause kasabay ng mga pamilya at mga kaibigan ay isinagawa ng participants sa oras at mga lugar na kanila mismong pinili.
Sa mga interesadong lumahok sa nasabing walkathon for a cause, magprehistro lamang online sa pamamagitan ng link na ito.
Hinihikayat ang mga kalahok na makibahagi sa Culminating Bayanihan Walk Hour na gaganapin online sa May 29, 2022 kung saan may naghihintay na prizes sa mga mapipiling creative photos at videos ng kanilang isinagawang virtual walks.
Hinimok din ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap ang mga kababayan sa bansa na makilahok sa nasabing walkathon for a cause:
“I invite you to participate in the virtual Bayanihan Walk 2022. ..and to celebrate the success of this project, I invite everyone to the culminating Bayanihan Walk hour on May 29 from 4 pm to 5 pm…happy walking!”
Para sa iba pang detalye patungkol sa virtual Bayanihan Walk 2022, maaaring makipag-ugnayan sa PBSS official Facebook page o via WhatsApp at +65 91168973.