Guro nahuling nagbebenta umano ng shabu sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at May 05 2022 02:08 AM

Isang 52-anyos na guro ang umano'y nahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu sa bayan ng Iguig, Cagayan nitong Lunes.

Ayon kay Police Capt. Isabelita Gano, hepe ng public information office ng Cagayan Police Provincial Office, inaresto ang suspek matapos niyang bentahan umano ng mga sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay Redondo.

Nang mapansin ng suspek na pulis pala ang kaniyang katransaksyon, agad umano itong sumakay sa motorsiklo para tumakas, pero nahuli rin siya. 

Nasampahan na umano siya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC