PatrolPH

Ex-congresswoman Gina Reyes Mandanas, pumanaw na

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at May 05 2022 09:25 AM | Updated as of May 05 2022 09:57 AM

Kinumpirma nina Batangas Vice Governor Mark Leviste at Batangas PIO Jenny Aguilera ang pagpanaw ni Atty. Gina Reyes-Mandanas, asawa ni Gov. Hermilando Mandanas at dating congresswoman ng Marinduque noong 2013. 

Ayon kay Aguilera, pumanaw si Mandanas bandang 5:45 a.m. sa Makati Medical Center. 

Noong Huwebes ay isinugod siya sa ospital dahil sa bacterial infection sa kanang paa. Nitong nakaraang araw ay pinutol na ang paa niya.

Sepsis ang sinasabing naging sakit ni Mandanas. Siya ay 57 anyos.

Siya rin ang 2nd nominee ng Anak Kalusugan party-list. 

Si Mandanas ay anak ng dating immigration commissioner Edmundo Reyes, Sr. at dating Marinduque Governor Carmencita O. Reyes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.