PatrolPH

Lalaking nakatambay sa tindahan binaril sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 04:27 PM


Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Bualan, Barangay Datu Pinaguiaman sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Toting Edsa Kasan.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nakatambay lang ang biktima sa isang tindahan sa gilid ng highway nang biglang lapitan ng salarin at pagbabarilin.

May mga tama sa ulo at ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa kalibre .45 na baril base na rin sa mga basyong nakita sa crime scene.

Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang awtoridad para mahuli ang nakatakas na salarin.

 KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.