Higit P500,000 halaga ng umano’y shabu, nasabat sa Makati; 8 timbog

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 06:38 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Nasa P550,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa 2 buy-bust operasyon sa Makati Lunes.

Ayon kay Police Col. Harold Depositar, acting chief ng Makati Police, 7 drug suspek ang nahuli sa buy-bust sa Coronado Street sa Barangay Guadalupe Viejo.

Ilan sa mga suspek ay pedicab driver at mga estudyante.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000. Isang suspek ang nakatakas sa operasyon.

Isang lalaki ang nahuli rin sa buy-bust sa Water Bird Street, Barangay Rizal. Nakumpiska sa kaniya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P346,000. 

Meron ding nakitang kush o high-grade marijuana na may street value umano na higit P4,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.