Lalaki patay nang mabagsakan ng parte ng backhoe sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at May 05 2021 08:12 AM | Updated as of May 05 2021 08:25 AM

DAVAO DEL NORTE—Patay ang isang lalaki nitong Martes matapos madaganan ng nahulog na vibro hammer ng backhoe sa isang construction site sa bayan ng Asuncion. 

Kinilala ang biktima na si Rolando Dula, na operator ng backhoe sa naturang construction site malapit sa Saug River, Brgy. Cambanogoy. 

Kuwento ng kasama ni Dula, 34, at nakakita ng pangyayari, inaayos ng biktima ang parte ng backhoe nang biglang bumagsak ang vibro hammer nito at diretsong tumama sa kanyang ulo.

Agad itong isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival

Hindi na rin pumayag ang pamilya ng biktima na magsagawa pa ng autopsy sa kanyang bangkay. — Ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.