PatrolPH

'Panggigipit kahit may pandemic': Pagpapatigil sa broadcast ops ng ABS-CBN kinondena

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 06:08 PM | Updated as of May 06 2020 12:12 AM

MAYNILA (2ND UPDATE) - Banta sa malayang pamamahayag ang hakbang ng National Telecommunications Commission na ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN kaugnay ng napaso nitong prangkisa, lalo na't kinakailangang maihatid ang mahahalagang impormasyon sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa ilang personalidad. 

Kasunod ito ng paglabas ng utos ng NTC na itigil ang mga TV at radio operation ng ABS-CBN habang wala pa itong karampatang prangkisa, bagay na ikinadismaya ng ilang personalidad at ng mga politiko.

Maituturing na "panibagong panggigipit sa media" ang hakbang na ipasara ang network, ayon sa grupong Bayan, lalo na’t may banta ng coronavirus ngayon. 

"We stand with ABS-CBN amid this very serious threat to press freedom coming from the NTC. Panibagong panggigipit ito sa media. Kahit panahon ng COVID19 at ECQ, tila hindi tumitigil ang mga pwersa ng tiraniya," anila sa pahayag. 

Para sa ilang senador, mali na ipasara ang network lalo na’t kinakailangang maihatid ang impormasyon ngayong may banta ng COVID-19. 

“This is a time when we need reliable information and we shut down one of the sources that is practically in every household of Filipinos? So where is the Filipino going to get news now? From the internet where there is a lot of fake news? No disrespect to other channels,” ani Senador Sonny Angara, na sinabing ikinadismaya niya ang naging hakbang ng National Telecommunications Commission. 

Sang-ayon din dito si Senate Minority Leader Franklin Drilon, na nagsabing maituturing “grave abuse of discretion” ang nangyari. 

“It is totally contrary to law and is a grave abuse of discretion,” aniya. 

Ikinadismaya rin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang pagpataw ng cease and desist order. 

“What I find highly irregular is that I know for a fact that there are many stations operating on provisional authority... We can cite many instances when the NTC granted provisional authority for those still applying for their franchises,” ani Zubiri. 

Ang dating aktres at ngayong kongresista na si Vilma Santos-Recto, ikinalungkot din ang naging hakbang ng ahensiya. Umaaasa siyang mababawi ang desisyon na ito. 

"This is definitely not a good news. Specially at this time na maraming walang trabaho. I'm definitely saddened by this development. I still hope that the NTC will reconsider its decision and allow ABS-CBN to operate. Im hopeful that our President will reverse the order of the NTC," ani Santos-Recto, na dating aktres din ng network. 

Para kay Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, dapat mas tutukan ng gobyerno ang banta sa coronavirus kaysa ang umano’y pagsupil sa malayang pamamahayag. 

‘MALING TIMING’ 

Ayon kay Vergel Santos, dating chairman ng Center for Media Freedom and Responsibility, tila sinamantala ng gobyerno ang banta ng COVID-19 sa pagpataw ng cease and desist order. 

“This is terrible. I find this really worrisome because it comes at a time when the media, in particular, ABS-CBN, have been stepping up in its role in the face of this pandemic,” ani Santos. 

“We are being blindsided here. We’ve been locked down and therefore focused on our own well-being, and this government is taking advantage of all of this incapacity.”

Para kay dating House Deputy Speaker Erin Tañada, tila natakot ang NTC sa banta ni Calida. 

Nauna nang nagbabala si Solicitor General Jose Calida laban sa paghain ng provisional authority sa ABS-CBN dahil Kongreso lang daw ang may kapangyarihan na magbigay ng prangkisa.

‘MALING TIMING’ 

Nababahala rin ang ilang human rights at media watchdogs sa naging hakbang. 

Ayon kay Vergel Santos, dating chairman ng Center for Media Freedom and Responsibility, tila sinamantala ng gobyerno ang banta ng COVID-19 sa pagpataw ng cease and desist order. 

“This is terrible. I find this really worrisome because it comes at a time when the media, in particular, ABS-CBN, have been stepping up in its role in the face of this pandemic,” ani Santos. 

“We are being blindsided here. We’ve been locked down and therefore focused on our own well-being, and this government is taking advantage of all of this incapacity.”

Para kay dating House Deputy Speaker Erin Tañada, tila natakot ang NTC sa banta ni Calida. 

Para naman sa Human Rights Watch, malaking dagok sa malayang pamamahayag ang nangyari, na anila’y hakbang ng administrasyon na patahimikin ang media sa maling panahon. 

“Human Rights Watch views this turn of events with deep concern, coming as it did on the heels of efforts by the Duterte administration to intimidate and muzzle the Philippine press,” ani HRW Deputy Director Phil Robertson sa isang pahayag. 

“This also comes at the worst possible time, when the Covid19 pandemic is ravaging countries like the Philippines and when accurate and truthful information is needed crucially,” dagdag niya. 

SOCIAL MEDIA PINUTAKTE NG DISMAYA 

Sa social media rin idinaan ng ilan ang kanilang dismaya sa hakbang laban sa network. Ika-1 sa Twitter ang hashtag na #NoToABSCBNShutdown kasunod ng balita tungkol sa utos ng NTC. 

"This is how liberty dies..." with dead air. #DefendPressFreedom,” ani dating Supreme Court Spokesperson Theodore Te sa microblogging site na Twitter. 

May isang user na nagsabing mahalaga ang papel ng network ngayong may banta sa coronavirus. 

“In this pandemic we need the media to tell us our country's current situation. ABS-CBN has a wide reach in the Philippines, especially its regional networks,” aniya. 

Ang talent manager at asawa ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan, kinuwestiyon ang aniya'y pagbibigay-prayoridad sa pagpapatuloy-operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators kaysa sa ABS-CBN sa gitna ng pandemic. 

Gayundin ang naging pahayag ng manunulat at aktor na si Juan Miguel Severo. 

Para naman sa mang-aawit na si Leah Navarro, tila pagbawi ito sa pahayag na puwedeng magpatuloy ang operasyon ng network. 

 

MGA PROTESTA

Nagdaos din ng mga protesta ang ilang grupo na pumapanig sa ABS-CBN sa isyu ng kanilang tigil-operasyon. 

Ang grupong Anakpawis, nagprotesta sa labas ng kanilang headquarters suot ang kanillang facemask at naglabas ng mga placard na nananawagang huwag ipasara ang network giant. 

[PLS EMBED: https://twitter.com/ABSCBNNews/status/1257621209547603969]

Tumungo rin ang grupong Gabriela sa tanggapan ng ABS-CBN para iprotesta ang utos ng NTC.

'IPINAPAUBAYA SA KONGRESO' 

Nagpasalamat ang Palasyo sa mga naihatid na serbisyo ng ABS-CBN kasabay ng pagbaba ng NTC sa kanilang utos. Pero ipinapaubaya nila sa Kongreso ang pagpapatuloy sa operasyon ng ABS-CBN. 

"We thank the network for its services to the Filipino nation and people especially in this time of COVID-19," ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

"But in the absence of a legislative franchise, as we have earlier said, ABS-CBN’s continued operation is entirely with the NTC’s decision," dagdag niya. 

-- May ulat nina Jeffrey Hernaez, Christian Esguerra, Arianne Merez, at April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.