PatrolPH

P200-K halaga ng 'shabu' nasamsam sa 'tulak' sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 01:59 PM

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang umanong tulak ng ilegal na droga sa Maynila na nakuhanan ng P200,00 halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ng NBI ang suspek bilang si Rahim Andil, na hinuli sa isang entrapment operation sa Intramuros.

Nakuha sa suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayo kay Andil, inalukan siya ng P5,000 para ihatid ang naturang droga at hindi niya alam na shabu pala ang kaniyang ihahatid.

Pero ayon sa NBI, notoryus na tulak ang suspek.

Kulong si Andil sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.