Kapatid ni Erin Tañada, nangampanya sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at May 05 2019 07:33 PM

DAVAO CITY -- Dumalaw sa Davao City ang kapatid ni senatorial candidate Erin Tañada para ikampanya ito.

Sa palengke nakipagkamayan si Wigberto Tañada Jr., ang kapatid ni Erin Tañada na tumatakbong senador ng Otso Diretso para sa eleksyon ngayong Mayo.

Hindi umano nakadalo si Erin ngayong Linggo dahil nangangampanya din ito sa ibang lugar.

Gayunpaman, hindi umano inasahan ng kanilang grupo na mainit ang pagtanggap ng mga Dabawenyo sa kanila kahit na balwarte ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng partidong Hugpong ng Pagbabago.

“To be honest, when I was told that I would be going to Davao, I was nervous because obviously, this is the ‘balwarte’ ng Hugpong, ni Pangulong Duterte. And Erin’s part of the opposition.... not one of the people that I shook hands with, gave any negative response and reaction,” ayon kay Tañada Jr.

Pagkatapos ng pangangampanya sa palengke, nagtipon rin ang ilang supporters ni Tañada sa Davao City para mapag-usapan ang plano sa natitirang araw bago ang eleksyon.