PatrolPH

2 estudyante patay sa sunog sa Catarman, Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at May 04 2022 03:06 AM

Patay ang dalawang estudyante matapos masunog ang tinitirahan nilang bahay sa bayan ng Catarman, Northern Samar nitong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang apoy sa naturang bahay sa Barangay Talisay alas 4:30 ng umaga. Naapula ang apoy alas 5:45 na ng umaga.

Gawa umano sa light materials ang bahay na nasunog.

Natutulog umano ang mga biktimang edad 10 at 18 sa bahay nang mangyari ang pagsiklab.

>>>https://news.abs-cbn.com/news/05/02/22/8-patay-sa-sunog-sa-quezon-city

Tinatayang aabot naman sa P600,000 ang danyos sa sunog.

Iniimbestigahan pa ng mga bombero ang sanhi ng pinagmulan ng apoy.—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.