P3.4 milyong halaga ng droga nasamsam sa Bulacan; itinuturong notorious drug pusher tiklop

ABS-CBN News

Posted at May 04 2021 08:55 PM

Arestado nitong Lunes ang itinuturong notorious na drug pusher sa probinsya ng Bulacan, ayon sa mga awtoridad. 

Nakuha umano sa suspek ang 2 transparent plastic bags na may lamang hinihinalang shabu na abot sa P3.4 million ang estimated street value. 

Kinilala ang nahuli na si alyas Bong, 42 anyos na taga-San Jose Del Monte Bulacan.

Nahuli ang suspek sa isinagawang operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bulacan Provincial Office, Bulacan Provincial Police office, Bulacan Provincial Intelligence Unit, at Malolos City Police Station. 

Ilan pa sa mga nakuha ay isang pirasong white at blue box, P1,000 buy-bust money, at isang mobile cellphone. 

Mahaharap ang nahuling suspek sa kasong paglabag sa Section 5, ang pagbenta ng mga itinuturing dangerous drugs, at Section 15, o paggamit ng dangerous drugs, ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.