PatrolPH

'Most wanted' na karnaper sa Maynila, tiklo matapos ang 4 taong pagtatago

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at May 04 2021 06:40 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Matapos ang 4 na taong pagtatago sa batas, nahuli ng mga pulis ang umano'y isa sa mga notoryus na karnaper sa Maynila.

Noong 2017 lumabas ang warrant of arrest laban kay Oliver Vargas, 41, dahil sa kasong carnapping.

Ayon kay Police Capt. Philipp Ines ng Sampaloc Police, hindi lang sa Maynila kundi maging sa mga karatig-probinsiya may parehong kaso si Vargas.

Nasangkot rin siya sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ilang beses nang nagpalipat-lipat ng lugar umano ang suspek para makalusot sa pagkakaaresto hanggang sa matiyempuhan siya nitong Lunes sa Barangay 425 sa Sampaloc.

Todo-tanggi naman si Vargas sa mga paratang at sinabing wala siyang ninakaw na kahit ano.

Nasa kustodiya siya ng pulisya at haharapin na niya ang kasong sinampa laban sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.