PatrolPH

Magpinsan patay sa pagsabog ng pinaglaruan umanong 'granada'

ABS-CBN News

Posted at May 04 2020 05:55 PM

RAJA BUAYAN, Maguindanao — Patay ang 2 binatilyo sa bayan na ito noong Biyernes matapos silang masabugan ng hinihinalang granada malapit sa isang himpilan ng pulisya. 

Ayon sa ulat ng pulisya, pinaglalaruan ng magpinsan na edad 12 at 14 ang isa umanong "unexploded ordnance" nang bigla itong sumabog. 

Agad na dinala sa ospital ang magpinsan pero binawian din ng buhay ang mga ito.

"Iyong mga bata pala, naglalaro sila ng jolen... Nakakita daw sila ng hard object. Di malaman kung granada ba kasi naghanap kami ng ebidensya, wala kaming nakita... Pinalo-palo nila, ayun pumutok," sabi ni Police Cpt. Zukarnain Kunakon, OIC ng Rajah Buayan police. 

Paalala ng pulisya, i-report agad sa kanila sakaling may makitang kahinahinalang bagay upang maiwasan ang kaparehong insidente. 


—Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.