PatrolPH

Lalaki patay sa buy-bust sa Calamba

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at May 04 2019 09:45 AM

Lalaki patay sa buy-bust sa Calamba 1
Pinoproseso ng Scene of the Crime Operatives ang lugar kung saan napatay ang suspek sa buy-bust operation sa Calamba City. Larawan mula sa Laguna Police


CALAMBA CITY – Patay ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Prinza dito sa siyudad, Biyernes ng hapon.

Dead on the spot ang suspek na nakilalang si Eduardo Dumasing na hitman rin umano ng isang drug group. 

Ayon sa pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang Provincial Intelligence Branch ng Laguna police laban sa suspek bago mag-alas 3 ng hapon.

Pero nakipagbarilan umano ang suspek kaya’t gumanti ang mga operatiba na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.