64 arestado sa 24-hour drug ops sa Kamaynilaan

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at May 04 2019 04:39 PM | Updated as of May 04 2019 04:42 PM

MAYNILA - Timbog ang 64 suspek sa ikinasang mga operasyon kontra droga sa Metro Manila nitong Biyernes at Sabado.

Pinakamaraming naaresto ang Quezon City Police District na umabot sa 26, sunod ang Manila Police District na may 18, habang tig-6 naman ang Southern Police District at Northern Police District.

Nagsagawa ang mga awtoridad ng 32 operasyon mula alas-5 ng umaga Biyernes hanggang alas-5 ng umaga Sabado.

Sa kampanya naman laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa, umabot na sa higit 980,000 ang nasita simula nang ipatupad ang paghihigpit dito noong Hunyo 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.