2 suspek sa droga, patay sa Batangas matapos 'manlaban'

Fay Virrey, ABS-CBN News

Posted at May 04 2018 03:40 AM

Patay ang isa sa mga "high-value target" ng mga pulis sa Lian, Batangas at isa pang suspek matapos umanong manlaban sa mga operatiba nitong Huwebes.

Isang buy-bust operation ang ikinasa ng Lian PNP, Provincial Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Branch laban sa mga suspek Huwebes ng gabi.

Naramdaman umano ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya napilitang gumanti ng putok ang pulisya. Nakipaghabulan pa umano ang isa sa mga suspek.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga suspek pero hindi na umabot ng buhay.

Ayon sa pulisya, dati nang nahuli sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act si Marlon Lubugan noong nakaraang taon sa Nasugbu, Batangas. 

Kinilala naman ang isa pang suspek na si Michael Adrias.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.