Lalaking sinita ng pulis nanlaban umano, patay sa Parañaque | ABS-CBN
News
Lalaking sinita ng pulis nanlaban umano, patay sa Parañaque

ABS-CBN News
Published May 04, 2017 10:46 AM PHT
MAYNILA - Patay ang isang lalaki na umano'y nagpaputok sa mga nagpapatrolyang pulis sa Ninoy Aquino Avenue, Parañaque City, pasado hatinggabi ng Huwebes.

Ayon sa pulisya, sinita nila ang hindi pa nakikilalang lalaki at ang isa pa nitong kasamahan habang sila ay nagpapatrolya. Pero imbes na makipag-usap, putok umano ang iginanti sa mga pulis.

Tumimbuwang sa may creek sa gilid ang napatay na lalaki habang nakatakas naman ang kanyang kasama. Tinatayang nasa 20 ang edad ng lalaki.

Sabi ni Senior Superintendent Jemar Modequillo, hepe ng Parañaque police, paiigtingin nila ang seguridad sa Irasan Complex na pinangyarihan ng pamamaril, lalo't marami aniyang krimeng naitatala doon.

ADVERTISEMENT
Partikular na pupuntiryahin ng mga pulis ang mga kaso ng ilegal na pagmamay-ari ng baril sa lungsod, para maiwasan na ang mga kaparehas na insidente.-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News