Abu Sayyaf patay sa pamamaril matapos tumakas

Annie Fe Perez, ABS-CBN News

Posted at May 05 2017 07:33 AM | Updated as of May 05 2017 09:09 PM

Nahuli si Abu Saad, kilala rin bilang Abu Omar, Huwebes sa Barangay Tanawan, Tubigon, Bohol.

Patay ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf na umano'y tumakas sa kulungan sa Tagbilaran, Bohol, matapos siyang barilin ng mga pulis.

Halos tatlong oras hinabol si Abu Saad bago ito naabutan ng mga pulis.

Nagpaalam umano si Abu Saad na iihi at dudumi pero tumakbo ito palayo.

Kabilang si Abu Saad sa mga pinaghihinalaang sumalakay sa bayan ng Inabanga noong Abril.

Narresto siya noong Huwebes matapos itong manghingi ng pagkain mula sa ibang mga residente sa bayan ng Tubigon.

Inilibing din ang bangkay ni Abu Saad nitong Biyernes ng hapon.