Kuha ng Brgy. San Miguel LGU
Isinailalim ng lokal na pamahalaan ang bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte sa state of calamity dahil sa pagbaha dulot ng localized thunderstorms nitong dalawang linggo.
Ipinasa ng Sangguniang Bayan ang resolusyong nagdedeklara ng state of calamity batay na rin sa rekomendasyon ng municipal disaster risk reduction and management council (MDRRMC) upang magamit ang quick response fund para sa agarang pagtugon kaugnay sa disaster relief at rehabilitation efforts.
Ayon sa LGU, mahigit 8,000 na pamilya ang apektado ng baha.
Umabot naman sa halos P16 milyon ang halaga ng taniman at mga hayop ang napinsala.
Mahigit P3 milyon naman ang halaga ng nasirang mga imprastraktura at kalsada.
Bukod sa paggamit ng calamity fund, ang deklarasyon ng state of calamity ay mahalaga rin para makapagpatupad ng price freeze ang LGU sa mga pangunahing bilihin sa lugar. – Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.