PatrolPH

Traffic police chief patay matapos mabangga ng truck sa Misamis Oriental

ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 10:27 PM

Patay ang isang hepe ng traffic police matapos mabangga ng isang truck sa national highway sa bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental nitong Lunes.

Ayon sa mga awtoridad, papunta sa Cagayan de Oro si Police Maj. Abogado Mautin at bumabaybay siya sa highway sa Brgy. Mauswagon nang nawalan ng preno ang trak na kasalubong niya.

Bumangga ang truck sa kaniyang kotse at sa tindi ng impact, nayupi ang harap at gilid ng kotse ni Mautin.

Naipit sa loob ng kotse at nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Mautin, kaya hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

Naka-detine na sa estasyon ng pulis sa Laguindingan ang driver ng trak.--Ulat ni Roxanne Arevalo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.