PatrolPH

Rider patay nang mabangga, maipit ng van sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 01:59 PM | Updated as of May 03 2021 02:10 PM

Rider patay nang mabangga, maipit ng van sa Iloilo City 1
Patay ang isang motorcycle rider matapos maipit sa ilalim ng van sa Iloilo City noong Mayo 2, 2021. Screengrab mula sa video ni Kha San Dra

ILOILO CITY — Patay ang isang motorcycle rider matapos mabangga at maipit sa ilalim ng L300 van sa Jaro district sa lungsod na ito, gabi ng Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Joseph Santillan, 27 at nakatira sa Barangay Dungon C sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, nag-overtake si Santillan sa isa pang motorsiklo pero nahagip nito ang likurang bahagi ng motorsiklo at nawalan ng kontrol, dahilan para sumalpok sa kasalubong na van.

Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Santillan, sabi ng pulisya.

Nagtagal nang ilang minuto bago nakuha sa ilalim ng L300 van ang biktima, na idineklarang dead on arrival umano sa ospital dahil sa mga tinamong malubhang sugat.

Nasa pangangalaga na pulisya ang driver ng L300 van at hinihintay ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso ang mga ito.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.