PatrolPH

Barya at tsaa pinamimigay sa community pantry sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 11:46 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Kung ang karamihan ng community pantry ay pagkain ang alok sa mga pumipila, mga barya at tsaa ang handog ng isang pantry sa Visayas Avenue sa Quezon City.

Ayon kay Karl Bartolata, organizer ng nasabing pantry, nagumpisa ang kanilang grupo sa pagoorganisa ng mga community pantry na tampok ay mga pagkain. 

Doon nila nakausap ang ilan sa mga nais magdonate pero nahihiyang magbigay dahil mga barya lang ang kaya nilang ialok. 

Dun niya naisipan gumawa ng Coin-mmuni-tea pantry kung saan maaring magdonate at kumuha ng barya para sa mga nangangailangan ng pamasahe nila. 

Kahit sino ay puwedeng kumuha. May tsaa din silang alok tulad ng tanglad tea at iced tea mula sa grupong Galaw ng Kalikasan, para mapromote aniya ang healthy living sa mga tao. 

Karaniwang tinatayo ang pantry tuwing alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon. Ito na ang pangatlong araw ng pagoorganisa nila ng pantry na ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.