PatrolPH

Magkaangkas sa motorsiklo patay matapos masalpok ng trak sa Kabankalan City

ABS-CBN News

Posted at May 03 2020 01:51 PM

Patay ang 2 lalaki, kasama ang isang menor de edad, matapos mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiko sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Sugatan din ang isa pang lalaking sakay ng motorsiklo, na isa ring menor de edad, sa aksidenteng nangyari noong Biyernes.

Biglang pumasok sa highway mula barangay road ang motorsiklo kaya nabangga ng tumatakbong truck, ayon sa imbestigador.

Hindi umano nakapreno ang truck dahil sa biglang paglabas ng motorsiklo sa highway.

Dead on arrival sa ospital ang 16 anyos na biktima. Namatay naman habang ginagamot ang 19 anyos.

Nangako naman ang may-ari ng truck na magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga biktima.

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.