MAYNILA — Timbog sa San Juan City nitong Linggo si dating senador Jinggoy Estrada matapos umanong lumabag sa quarantine protocols habang nagsasagawa ng relief operations.
Kinumpirma ng kampo ni Estrada na "inimbitahan sa presinto" ng pulisya ang dating senador habang namamahagi siya ng bangus at iba pang ayuda sa ilang mahihirap na pamilya.
Sinita umano si Estrada dahil sa "mishandling of food" at kawalan ng physical distancing habang nagbibigay ito ng ayuda.
Ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora, walang koordinasyon ang ginawang relief operation ni Estrada.
"Sapagkat itong si dating Senador Jinggoy Estrada ay ilang araw na pong nag-iikot dito sa lungsod ng San Juan na walang authority," sinabi bi Zamora sa TV Patrol.
Sabi naman ni Estrada, pinalaya rin siya ng pulis bandang 8 p.m. matapos bigyan ng warning.
Ayon sa dating senador, pinupulitika siya ni Zamora.
"At any rate, unfortunately, this is all about politics," sabi ni Estrada.
Tinalo ni Zamora ang anak ni Estrada na si Janella sa nakaraang halalan.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.