PatrolPH

Tauhan ng pension house timbog sa pagnanakaw sa dayuhan

ABS-CBN News

Posted at May 03 2019 01:56 PM

Naaresto noong Huwebes ang tauhan ng isang pension house sa El Nido, Palawan matapos umanong magnakaw sa Spanish national na naka-check in sa establisimyento.

Nagreklamo sa El Nido Municipal Police Station alas-11 ng umaga ang dayuhang si Ivan Plaza, 48, matapos mawala ang P161,000 iniwan niya sa kaniyang safety box sa establisimyento, ayon sa ulat ng Mimaropa police.

Sa imbestigasyon ng pulis, lumabas na ang housekeeping staff na si Romel Dedace, 25 anyos, ang may duplicate na susi sa kuwarto.

Nahanap ng mga pulis ang nawawalang pera sa backpack ni Dedace nang halughugin ang kuwarto nito.

Nasa kustodiya ng El Nido Municipal Police Station si Dedace.--Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.