4 tiklo sa anti-drug ops sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at May 03 2019 02:13 PM | Updated as of May 03 2019 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Apat na tao ang naaresto noong gabi ng Huwebes sa anti-illegal drug operation na ikinasa ng pulisya sa General Trias, Cavite.

Isa sa mga naaresto ang pangunahing target ng operasyon na si Benjiemen Cortes, alyas "Tisoy," na nagtutulak umano sa Barangay San Francisco, ani General Trias police chief Police Lt. Col. Paul Bometivo.

Bukod kay Cortes, naaresto rin ang truck driver na si Barry Ocampo, truck helper na si Thaddeus Largo, at construction worker na si Ereneo Gregorio.

Nagbebenta rin umano ng shabu sa mga kapuwa truck driver at helper ang ibang naaresto, ani Bometivo.

Nakuha sa mga suspek ang P500,000 halaga ng shabu at drug paraphernalia.

Hindi naman itinanggi ng mga suspek ang mga paratang.

Nasa kustodiya ng General Trias police ang mga suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. --Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.